PAGPILI NG PANGASTA
Dapat tandaan ng bagitong sabungero, sa pagsimula nya niyang magpalahi ng panabong, ang pagpapalahiy nangangailangan ng di-kakaunting sikap, panahon at salapi. Gayunman, ang pagpalaganap ng mga buhay na hayop, lalong-lalo na ang mga maginoong panabong ay makakapagbigay ng malaking kasiyahan sa isang sabungero.
Ang unang hakbang para maging BREEDER O MANLALAHI ay makatotohanang tayahin kung gaanong panahon, sikap, at salapi ang puwedeng ilaan sa hilig na ito. Dapat itong ibatay sa ating mga hangarin o layunin.
Ano-ano ba ang ating mga layunin?
1. Ang maging sikat na sabungero sa buong mundo.
2. Magbenta ng mga panabong.
3. Para my pang hakpayt sa ating paboritong sabungan.
1. Kung ang layunin natin ay ang una dapat nating pumili ng magagandang materyales sa pamamagitan ng pagbili ng superior na manok sa mga sikat na sabungero, ngunit kailangan nating gumastus ng malaki para makuha natin ang superior na manok na siyang magpapasikat sa atin sa larangan ng sabong.
2. Kung ang layunin naman natin ay ang magbenta ng mga panabong, halos parehas lang ito sa unang layunin kailangan rin nating bumili ng mga superior na materyales upang mabili ito ng mga sabungero.
3. Sa pangatlong layunin hindi kailangang gumastos ng malaki, puwede ka ritong humiram o humingi ng mga pangasta sa inyong mga kaibigan na sabungero.
Friday, June 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment