Performance testing o pagsubok ng kakayahan
Sa pagpili ng pangastang tandang, ang pangunahin nating interes ay ang kanyang galling sa paglaban. Ang hinahanap ko sa aking mga pangastang tandang ay ang mga may katangian na matapang sa tari, mabilis lumaban, mautak, magaling sa dikitan, matulin pumatay at mabilis pumalo. Inaakala ko na ang anim na katangiang itoy lubhang kailangan sa sabong na may tari. Ang mga katangiang itoy susuriin natin ng mas malalim.
Kinakailangang ibitaw natin ang tandang para Makita natin ang kanyang galing sa paglaban. Ito ang pinakasimpleng performance test o pagsubok sa kakayahan para sa pangastang tandang. Gayunman hindi sapat na pagsubok ang isang bitaw, sapagkat madali tayong magkakamali sa pagtasa ng kagalingan niya kung saan ang isang tandang ay naibitaw sa gagong kalaban. Kapag naglaban ang dalawang tanga, ang isa sa kanila ay magmumukhang magaling.
Mapabubuti natin ang bitaw bilang isang pagsubok kung magdadala tayo ng ating mahusay na panabong upang ibitaw sa isang pinagpipiliang pangasta. Ngunit karamihan sa manlalahiy ipinagbabawal ito dahil takot silang magdadala ng sakit sa kanyang palahian ang manok sa galing sa labas.
Maaari rin mapabuti ang bitaw bilang batayan sa pagpili ng pangastang tandang kung ibibitaw natin ang mga kandidatong pangastang tandang ng maraming beses, na parang round-robin sa basketball. Kung gusto ng bagitong pumili ng dalawang tandang, dapat siyang pumili muna na walong tandang na ibibitaw. Ang pagpiling walong tandang ay maaaring ibatay sa kanilang hugis ng katawan, edad, Itsura ng balahibo, pagkaalisto at iba pa. dapat niyang ibitaw ang apat na pares at pagkatapos alisin ang mga natalo. Ang natirang dalawang pares ay dapat ibitaw rin at ang dalawang tandang na mananalo ulit ang dapat piliin ng bagito. Kung gusto ng bagito ang maniguro, maaari niyang ibitaw ng tatlong beses ang dalawang kampyon, para Makita niya kung magbabago ang palo nila. Sa paggawa ng ganitong klase ng bitaw, makakabuti sa bagito kung ipapaliwanag muna niya sa may-ari ng manok na siyay siguradong bibili ng dalawang panabong, dahil baka naman magalit ang may-ari sa sobrang pagbitaw ng kanyang mga manok.
Gayunman, kahit na gaanong kaingat ang pagplano ng bitaw bilang performance test ng pangastang tandang, hindi parin nito masusukat ang katapangan sa tari at ang abilidad na pumatay ng mabilis. Hindi gaanong nasasaktan ang panabong sa bitaw kung ikukumpara sa sabong na may tari at pagpalo ng mga panabong ay ubod ng tulin, kaya hindi natin kayang matiyak kung sino talaga ang sumusuntok na malinis at malakas habang ibinibitaw ang mga panabong.
Tuesday, June 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment