Tuesday, June 16, 2009

PAGBILI NG PANGASTA

Madaling bumili ng pangastang panabong sa ating bayan dahil sa katanyagan ng larong sabong sa buong kapuluan. Alam ng mga kristo, Mananari at Tahur kung nasaan ang palahian ng malalaking manlalahi. Aking mapapayo sa mga bagito na dapat munang eksaminin at subukan ang mga pangasta bago ito bilhin. Ang malaking disbentaha ng pagbili ng pangasta mula sa estados unidos ay hindi sila puwedeng eksaminin; mahal rin ang pag angkat ng pangasta at mahirap silang ipasok sa ating bayan dahil sa red tape ng pamahalaan. Hindi ko ipinapayo na bumili ng itlog o sisiw upang palakihin ito at gawing pangasta dahil sa hindi puwedeng makapili ng mahusay na pangasta sa mga itlog at sisiw. Hindi dapat magdali ang bagito sa pagbili niya ng mga pangasta. Dapat siyang bumisita sa marahing palahian upang maikumpara niya ang kagalingan at ang presyo ng ibat-ibang mga lahi. Maraming pagpipiliang panabong sa mga malalaking palahian at itoy isang bentahi nila. Karamihan sa kanila ay sumasali sa mga malalaking derbies, kaya kailangan maging mahuhusay ang kanilang mga lahi upang hindi sila lumobog.
Nararapat na bumili mula sa mga manlalahi, kahit malaki o maliit man, na madalas mag laban sa sabungan ng kanilang lahi, kahit sa malaking mga derbies o sa mga hakpyt lamang. Unang-una, maaaring tantsahin ng bagito ang tunay na galling ng mga manok ng mga manlalahing aktibo sa sabungan.
Halos imposibleng makabili ng pinakamataas na antas ng mga pangasta dahil sa walang manlalahing nagbebenta ng kanyang pinakamahusay na pangasta, kahit magkano pa ang ibayad sa kanya. Ang pinakamahusay na panglaban lang ang ibenibenta ng mga manlalahi, at mataas ang mga presyo nito. Ang mga eksipsyon lamang sa alituntuning ito itoy ang mga manlalahing nalulugi at isasara na ang kanilang palahian, o kayay magreretiro na dahil sa katandaan. Handa silang ibenta ang lahat ng kanilang manok, pati na ang mga pinakamataas na antas na pangasta. Ang mga sitwasyong ganitoy mga gintong pagkakataon sa bagito na makapag impok ng napakagaling na pangasta sa presyong makakaya niya.

No comments:

Post a Comment