PAGPAPATUKA
Sa bawat pagpapatuka ng 30-40 gramo, magdagdag ng isang kutsarita or 3-5 gramo ng PELLETS simula sa unang araw hanggang ika 18 na araw ng pagkokundisyon para:
- Matugunan ang tamang buka o spread ng katawan ng manok
- Mapanatili ang magandang pangangatawan ng manok habang humaharap sa mabigat na ehersisyo.
PAGPAPAKASKAS (SCRATCH PEN)
- Ito ay may sukat na 3ft x 3ft
- Balat ng mais o dayami ang mainam na ilagay dito na makakaykay ng manok.
- Sinisimulan ito tuwing ika 4 ng umaga kasabay ng pagpapasanay sa ilaw, kahig at sampi. Tumatagal ng 5-10 minuto ang bawat pagpapakaskas.
- Nakakatulong ito sa pagdidibelop ng kalamnan at tatag o resistensya sa pagod.
PAGPAPALAKAD
- Ginagawa ito sa ruweda o lupa upang masanay dito ang manok para sa pagdating ng oras ng laban ay palagay na o adjusted na siya sa kanyang tinatapakan.
PAGSASAMPI
- Ginagawa ito ng dalawang tao habang pinakakahig ang panlaban. Pinagsasalpok sa ere ang dalawang panlaban para mag pang abot.
- Natuto syang umangat at hindi magpauna ng palo sa kalaban.
No comments:
Post a Comment